NEWS UPDATES

P.3M tulay sa malayong barangay ng Kabacan, inumpisahan na

(Kabacan, North Cotabato/ May 8, 2014) ---Puspusan ngayon ang ginagawang proyekto ng Pamahalaang Lokal ng Kabacan para sa second quarter ng kasalukuyang taon kasama na dito ang konstruksiyon ng mga tulay.

Kabilang ito sa mga prayoridad na programa ni Kabacan Mayor Herlo Guzman Jr.


Sa report na nakuha ng DXVL News mula sa Municipal Engineering Office naglabas ngayon ng P320,000 na pondo ang Pamahalaang Lokal sa pamamagitan ng Economic Development Fund o EDF sa pagsisimula kahapon ng konstruksiyon ng tulay sa Bangilan.


Napag-alaman na malaking tulong ito sa mga residente sa lugar upang mapabilis ang kanilang transportasyon lalo na sa pagluluwas ng kanilang produkto gamit ang nasabing tulay na inaasahang matatapos na sa buwan ng Hunyo. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento