NEWS UPDATES

Kickoff activity ng Brigada Eskwela, magsisimula na ngayong araw

(Amas, Kidapawan City/ May 9, 2014) ---Magsisimula na ngayong araw ang kickoff activity ng brigada eskwela ng Cotabato Division.

Ito ang sinabi sa DXVL News ni Cotabato School’s Division Supt. Omar Obas na sa lunes pa umano pormal na magsisimula ang brigada eskwela at kickoff ceremony lang daw ang magaganap ngayong araw sa Apostol Memorial Elementary School.

Ang nasabing aktibidad ay dadaluhan ng mga school heads at DepEd officials ng cotabato.

Magtatagal naman daw ang brigade eskwela ng isang linggo na magsisimula na sa lunes may 19.

Dagdag pa niya na bukod sa paglilinis ay meron din silang inilunsad na brigade eskwela plus, kung saan binibigyan ng benepisiyo ang mga estudyante kagaya ng libreng gupit, school supplies at marami pang iba.




Walang komento:

Mag-post ng isang Komento