NEWS UPDATES

National Fact-Finding Mission, inilunsad ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ May 12, 2014) ---Inilunsad ng Karapatan, grupo ng isang Human Rights ang National Fact-Finding Mission ngayong araw.

Ang nasabing aktibidad ay nilahokan ng ilang mga religious sectors, academe, civil society organizations at ilang mga progressive partylist groups sa buong bansa.

Binisita ng grupo ang mga lugar ng Barangay Balite, Tico sa Magpet, Ganatan, Old Cabalantian sa Arakan at New Baguio, Batasan, Kisante, Old Bulatukan sa Makilala.

Sa mga lugar na ito nakadistino karamihan sa mga militar at dito rin ang may pinakamaraming naitalang paglabag sa human rights.

Ayon kay Jay Apiag, secretary-general ng Karapatan North Cotabato, ang layunin ng programang ito ay patunayan ang pananagutan ng AFP sa lumalalang isyu sa paglabag ng Human Rights ditto sa probinsiya.


Dagdag pa niya ang mga naitalang kaso ay hindi simpleng paglabag lang kundi isang seryosong abuso sa Human Rights ng mga residente doon. USM-DevCom intern Regine Lanuza DXVL news.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento