NEWS UPDATES

Mahigit 100, naging benepisyaryo ng Medical at Dental Mission sa isang barangay sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ May 9, 2014) ---Abot sa mahigit sa isang daan ang naging benepisyaryo ng isinagawang Medical at Mission na isinagawa sa Brgy. Kayaga, Kabacan, Cotabato kahapon.

Ang programa ay pinangunahan ng Provincial Government sa pakikipagtulungan ng Lokal na Pamahalaan ng Kabacan at ng Sangguniang bayan.


Lubos naman ang pasasalamat ng mga residente sa isinagawang programa dahil malaking tulong ito para makapag-pa-check up ng libre lalo na ang mga matatanda na walang kakayahang makapagpagamot.

Bukod pa dito ay nabigyan din ng libreng bunot sa ngipin ang ilan sa mga residente sa lugar.

Kasama sa nasabing proyekto ang mga doctor ng Provincial hospital, regional safety battalion, 7th field artillery battalion at 7th infantry battalion Bravo Company. Bai Zhaira Sinolinding



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento