NEWS UPDATES

Nakaw na motorsiklo, narekober sa Tulunan, NCot!

(Tulunan, North Cotabato/ May 1, 2014) ---Narekober ng mga otoridad ang isang pinaniniwalaang nakaw na motorsiklo sa Purok 7, Brgy. La Esperanza, Tulunan, North Cotabato kamakalawa ng umaga.

Sa report ni PSI Ronnie Cordero, hepe ng Tulunan PNP ang nasabing motorsiklo ay isang kulay puti at pulang XRM 125 na may plate number 6664 QO.


Ang nasabing sasakyan ay inabandona ng mga di pa nakilalang suspek at tinabunan ng mga dahon ng banana.

Napag-alaman na ang nasabing sasakyan ay ninanakaw noong madaling araw ng Martes na pag-mamay-ari ni Manuel Porras Togonon at residente ng Kilometer 126, La Esperanza ng nasabing bayan.

Sa ngayon ay na-i-turn-over na ang nasabing sasakyan sa may ari. Rhoderick Beñez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento