NEWS UPDATES

2 Lalaki, timbog sa pagdadala ng armas

(Kabacan, North Cotabato/ May 1, 2014) ---Bumagsak sa kamay ng mga otoridad ang dalawa katao makaraang mahulihan ng armas sa USM Avenue, Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 9:30 kagabi.

Kinilala ni Supt. Jordine Maribojo, hepe ng Kabacan PNP ang mga suspek na sina Aljohn Ambang Sapal, 30-anyos, may asawa at Edison Plang Molao, 33-anyos, kasado at kapwa residente ng Galakit, Pagalungan, Maguindanao.


Nakuha mula sa posisyon ng mga ito ang isang kalibre .45 na pistol, 2 piraso ng stel Magnum ng .45 at pitong piraso ng bala ng kalibre .45 na pistol.

Nahuli ang dalawa sa nagpapatuloy na kampanya ng mga elemento ng Kabacan PNP hinggil sa loose fire arms.

Sa ngayon nasa Kabacan lock up cell ang dalawa habang inihahanda ang kasong isasampa na paglabag sa illegal possession of firearms. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento