NEWS UPDATES

Nahuling buwaya, ibabalik na Liguasan Marsh

(Mlang, North Cotabato/ May 2, 2014) ---Ibabalik na ngayong araw si Malang, ang buwaya na nahuli ng mga mangingisda sa Barangay Dungguan, M'lang noong Abril 12.

Ito makaraang maideklara na itong nasa maayos ng kalagayan.

Mula sa naunang skedyul na Mayo 15, napag-desisyunan ng lokal na pamahalaan ng M'lang na ibabalik ang buwaya ngayong araw.

Sa pagsusuri ng mga tauhan ng Philippine Crocodile Center sa Palawan, lumabas na malusog diumano ang buwaya at maari nang maibalik sa tahanan nito sa Liguasan Marsh.

Napag-alaman na si Malang ay siyang pinakamalaki na buwaya mula sa tubig-tabang na halos tatlong metro ang haba.


Napabilang diumano sa critically endangered species si Malang kaya mahalaga na maibalik agad sa Liguasan Marsh. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento