NEWS UPDATES

OPAG, tatalakayin ang mababang presyo ng goma sa Cotabato

(Makilala, North Cotabato/ May 2, 2014) ---Nais talakayin ng mga agriculture officials ng Cotabato province sa gagawing pagpupulong ang mababang buying price ng rubber cup lump sa probinsiya.

Inihayag ni Provincial Agriculturist Engineer Eliseo Magliwan na nagpatawag ito ng pulong kasama ang mga magsasaka at mga negosyante ng goma upang talakayin ang mga hakbang ng sa gayun maibalik sa normal ang presyo ng raw rubber products.

Ito ang tugon ng opisyal sa mga hinaing ng mga magsasaka ng goma sa lalawigan.

Malaki ang paniniwala na opisyal na kapag napabayaan ito, posibleng mamamatay ang industriya.

Sa kasalukuyan, naglalaro ang presyo ng goma sa P26 hanggang P29 bawat kilo, mas mababa ito kung ihahambing noong nakaraang limang taon na P38 hanggang P40 ang bawat kilo.


Napag-alaman na ang lalawigan ng Cotabato ang nangungunang rubber producer sa Rehiyon 12 at pangalawa sa buong Mindanao. Rhoderick Beñez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento