NEWS UPDATES

Milyun-milyong halaga ng Container Vans, sinunog ng NPA rebels

(Davao del sur/ May 21, 2014) ---Sinunog ng mga rebeldeng grupo ang 48 container vans ng isang malaking mining company sa Kiblawan, Davao del Sur kamakalawa.

Ayon kay Colonel Norman Flores, commander ng 1002nd Infantry Brigade na naglunsad na ang puwersa ng military ng massive operation laban sa New People's Army na responsable diumano sa pag-atake sa field offices ng Sagittarius Mines Incorporated (SMI) sa Kiblawan, Davao del Sur gayundin sa pagdis-arma sa mga security personnel ng South Davao Development Corporation Inc. (SODACO).

Nabatid na abot sa 50 armadong miyembrop ng NPA na pinamumunuan ni Joan Casamurin o “Ka Alvin” ng CPP-NPA Front 72 ang umatake sa field offices ng SMI sa Barangay Kimlawis, Kiblawan, Davao del Sur, at sinunog ang container van at iba pang pasilidad.

Maliban dito, umatake din ang isa pang grupo ng NPA sa pribadong mining company na nagsasagawa ng eksplorasyon sa Columbio, Sultan Kudarat at dinala ang napakaraming armas.


Naniniwala naman si Flores na bahagi ito ng paghihigante ng NPA kasunod sa pag-aresto kay Felix Armodia alias “Ka Jing” noong nakaraang linggo. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento