
Kinilala ng opisyal ang mga napatay na NPA
na sina Ronald “Kumander Revo” Arnado, Alyas Totoy Gamay, at si Ibot Gumay na
taga Sitio Buay-Buay Basak, bayan ng Magpet, North Cotabato.
Sugatang nasakote ng mga awtoridad si Orly
Gabison na taga- Barangay Amabel sa nasabing bayan.

Sinabi ni Peralta na tulad ng ginawa ng mga
rebelde sa ibang lugar sa Pilipinas kapag nahihirapan sila sa kabundukan dahil
sa military operation bababa sila at pinagbabalingan ang mga kapulisan.
Tinukoy pa ng Provincial Director na “soft
target” kasi ang PNP dahil hindi naman ito combatant kundi nagseserbisyo lamang
sa mamamayan.
Samantala pasado alas- 3:30 ng madaling araw
nang umatake ang mga rebeldeng lulan ng tatlong trak sa nabanggit na himpilan
ng pulisya.
Walang komento:
Mag-post ng isang Komento