NEWS UPDATES

Baha sa Kabacan, tatlong klase ang pinagmulan –ayon sa eksperto

(Kabacan, North Cotabato/ May 27, 2014) ---Tinukoy ng ilang mga eksperto ang tatlong klase na pinagmulan ng baha sa bayan ng Kabacan.

Ayon kay Engr. Willy Jone Saliling sa interbyu sa kanya ng Unlad Kabacan team na may tatlong pinagmulan ang mga pagbabaha sa Kabacan.

Una ay buhat sa Northern Mindanao na mga pag-ulan partikular na sa Pulangi river, pangalawa ay ang ulan mula naman sa bahagi ng Mt. Apo partikular na mula sa Magpet, Matalam at Kidapawan City at pangatlo ay ang mga pag-ulan mismo sa Poblacion.

Ito ang mga pangunahing nagsasanhi ng pagbaha sa bayan ng Kabacan, dahil aniya ang Kabacan at nagiging catch basin ng probinsiya.

Kung di ito maaagapan, posibleng lulubog ang bayan sa baha.

Kaya naman nagsasagawa na ng inter-LGU at inter-province coordination ang Pamahalaang Lokal ng Kabacan para matugunan ang nasabing problema.

Tinukoy din ng mga ka-unlad hosts na kabilang pa sa mga nagdudulot ng pagbaha ay ang mga nakabarang basura sa kanal. Rhoderick Beñez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento