NEWS UPDATES

2 mga bahay, razed to ground sa nangyaring sunog sa Antipas, Cotabato

(Antipas, North Cotabato/ May 27, 2014) ---Nilamon ng apoy ang dalawang mga pamamahay sa nangyaring sunog sa bahagi ng Old Market, Poblacion, Antipas, Cotabato alas 8:40 kagabi.

Sa ulat na ipinarating sa DXVL News ngayong umaga ni PSI Felix Fornan ang hepe ng Antipas PNP kabilang sa mga bahay na natupo ng apoy ay pag-mamay-ari nina Bulit Delgado at Madeline Pamplona.

Wala namang may naiulat na nasaktan o nasawi sa nasabing sunog kungsaan patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon kung anu ang pinagmulan ng naturang sunog.

Agad namang rumesponde ang mga kagawad ng pamatay apoy sa naturang insedente.


Inaalam pa ngayon ang pinagmulan at danyos ng naturang sunog. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento