NEWS UPDATES

21-anyos na lalaki, caught in the act sa pagnanakaw

(Kabacan, North Cotabato/ May 2, 2014) ---Kalaboso ngayon ang isang 21-anyos na lalaki makaraang mahuling nagnanakaw ng mga gamit pang karpintero sa brgy. Cuyapon, Kabacan, Cotabato kahapon.

Kinilala ng Kabacan PNP ang suspek na si Fajad Tasil Abdullah, 21, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.

Nahuli sa akto ang suspek habang ninanakaw nito ang electric plainer na nagkakahalaga ng P2,800 at isang unit ng electric drill bet na nagkakahalaga ng P3,500.

Nanguna sa pag-aresto sa suspek ang mga brgy. opisyal ng Cuyapon na pamumuno ni Kapitan Ernesto Bigsang.


Nabatid pa sa report ng Kabacan PNP na ang suspek ay suspected carnapper din umano na responsible sa ilang nakawan ng motorsiklo sa bayan. Rhoderick BeƱez kasama si USM Devcom Intern Bai Zairah Sinolinding

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento