NEWS UPDATES

Pag-inum ng alak may malaking epekto sa pagkakabalisa ng isang tao –ayon sa isinagawang research ng estudyante ng USM

(USM, Kabacan, North Cotabato/ April 23, 2014) ---May malaking kaugnayan umano ang pag-inom ng alak sa pagiging balisa ng isang tao.

Ito ang lumabas sa isang pag-aaral na isinagawa ng Department of Psychology ng College of Arts and Sciences dito sa University of Southern Mindanao.


Ang pag-aaral ay ginamitan ng Michigan Alcohol Screening Test (MAST) at Beck Anxiety Inventory upang matukoy ang ugali at pagiging balisa ng isang tao.

Ginawa ang pagsaliksik sa isang daang mga mag-aaral ng University of Southern Mindanao na naging respondents sa nasabing pag-aaral.

Lumabas sa ginawang pag-aaral na 50 buhat sa 100 mga mag-aaral ay may problema sa pag-inom ng alak habang 35 porsiento naman ang may katamtamang pagkabalisa habang 31 sa kanila ang may matinding pagkabalisa.

Sa nasabing pag-aaral, lumalabas na may malaking kinalaman ang pag-iinom ng isang tao sa pagiging balisa nito. Rhoderick Beñez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento