NEWS UPDATES

11 na mga suspected MERS-Cov, namonitor sa Rehiyon 12; ilan sa kanila isinailalim na sa Quarantine

(Kabacan, North Cotabato/ April 23, 2014) ---Patuloy na binabantayan ngayon ng Department of Health o DOH 12 ang labin isang mga pinaniniwalang suspected carrier ng Middle East Respiratory Syndrome – Corona Virus (MERS-CoV).

Ito ayon kay DOH 12 Health and Education Promotion Officer Jenny Ventura sa panayam sa kanya ng DXVL News Radyo ng Bayan kahapon.


Aniya, may tatlong Overseas Filipino Workers na kabilang sa 224 na pasahero ng Etihad Airways Flight EY 425 ang dumating sa North Cotabato nitong nakaraang linggo na posibleng may dala ng nasabing sakit, pero hindi pa naman ito kumpirmado, ayon sa opisyal.

Kaugnay nito, sinabi ni Ventura na siyam sa mga ito kabilang na ang tatlo mula sa Kidapawan City at bayan ng Pikit ang isinailalim na sa Quarantine.

Samantala, ilan sa mga sintomas ng naturang sakit ay ang lagnat, ubo, pagbahing, sipon, paninikip ng dibdib at pagtatae.


Pinayuhan naman ni Ventura ang sinuman man na may sintomas ng kagaya sa nabanggit na nagkaroon ng contact sa mga tao mula sa gitnang Silangan na pagpatingin agad sa pinakamalapit na Health Center sa inyung lugar. Rhoderick Beñez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento