NEWS UPDATES

Mga tax payers, hinimok na magbayad ng buwis bago ang April 15

(Kidapawan City/ April 4, 2014) ---Muling hinimok ng Bureau of Internal Revenue o BIR District 108 sa Kidapawan City ang mga tax payers na magbayad na ng buwis.

Ayon sa BIR District 108, mahalagang magbayad ng buwis bago ang deadline sa April 15 upang maiwasan ang hassle at multa.


Una nang inilunsad ng BIR ang kampanyang ‘RFP’ o Register, File,Pay upang himukin ang lahat ng mga tax payers na magbayad na ng buwis.

Malaking korporasyon man hanggang sa mga empleyado at self-employed.

Tiniyak din ni BIR na mapupunta sa kaban ng bayan ang mga makokolektang buwis at maibabalik sa publiko sa pamamagitan ng mga programa at proyekto.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento