NEWS UPDATES

Barangay Council sa Kidapawan city, humuhiling na ibalik ang curfew hours sa kanilang lugar

(Kidapawan city/ April 4, 2014) ---Kung si Brgy. Macebolig Kapitan Daniel Paman ng Kidapawan city ang tatanungin, nais nitong iabalik ang ipinapatupad na curfew hours sa kanilang lugar.

Ito kahit pa man walang naitalang kriminalidad sa kanilang barangay nais nitong matiyak ang seguridad ng kanyang nasasakupan.


Sa ngayon balak na rin ng kanilang council na ibalik ang nasabing ordinansa dahil na rin sa bakasyon at marami ang mga kabataan sa Barangay Macebolig.

Nabatid na naipatupad na ang nasabing batas noon pero nahinto ito, ayon sa opisyal.

Ito ngayon ang isa sa mga nais talakayan sa konseho para lalo pang maging maayos at matiwasay ang kanilang lugar. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento