NEWS UPDATES

Mahigit 3 libung Kabakeños, walang trabaho –ayon sa survey

(Matalam, North Cotabato/ April 2, 2014) ---Lumalabas sa survey na isinagawa ng tanggapan ng Public Employment and Services Office o PESO na abot sa mahigit sa tatlong libung mga Kabakeños ang walang trabaho.

Ito ayon kay PESO designate Officer George Graza batay sa survey na kanilang isinagawa nitong nakaraang taon.


Sinabi pa nito na karamihan sa mga walang trabaho ay mga elementary at High School level dahil na rin sa mahigpit na kompetisyon sa market na kapag mababa ang pinag-aralan ay mahirap makakuha ng trabaho, ayon kay Graza.

Kaugnay nito, may programa ngayon ang Department of Labor and Employment sa mga walang trabaho partikular na ang Out of School Youth sa pamamagitan ng TESDA upang magsagawa ng livelihood training sa mga ito.

Sa katunayan, aniya, may ibinigay na pondo ang DOLE para sa livelihood program at assistance sa mga ito.

Para sa mga gustong mag-avail, maari namang tumungo at sumangguni sa PESO Office sa Kabacan.


Sa mga naghahanap naman ng trabaho may mga jobs fair namang, isinasagawa ang nasabing tanggapan. Rhoderick Beñez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento