NEWS UPDATES

Magsasaka, pinatay at tinangay pa ang motorsiklo sa Carmen, NCot

(Carmen, North Cotabato/ April 2, 2014) ---Agaw motorsiklo ang isa sa mga anggulong sinusundan ng mga otoridad sa pagpaslang sa isang magsasaka ng mga di pa nakilalang suspek sa barangay Nasapian, Carmen, North Cotabato alas 9:30 ng umaga kamakalawa.

Kinilala ni Supt. Franklin Anito, hepe ng Carmen PNP ang biktima na si Obet Amozon, nasa tamang edad at residente ng Poblacion ng bayang ito.


Nagtamo ng tama ng bala ang biktima sa mukha na naging dahilan ng agaran nitong kamatayan.

Matapos barilin ang biktima ay agad na tinangay ang kanyang XRM 125 motorcycle ng mga suspek.

Mabilis na tumakas ang mga salarin dala ang nasabing sasakyan sa di malamang direksiyon.


Agaw motorsiklo ang isa sa mga anggulong sinusundan ng mga otoridad. Rhoderick BeƱez 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento