NEWS UPDATES

Truck Vs Motorsiklo; 2 sugatan

(Kidapawan City/ March 10, 2014) ---Sugatan ang mag-asawang Glen at Jiji Flores nang mabundol ng truck ang sinasakyan nila’ng motorsiklo sa kahabaan ng Daang Maharlika sa Kidapawan City, alas-1130 ng tanghali kahapon.

Ayon sa report, binabaybay ng motorsiklo ang highway nang masagi sila ng truck. Agad bumaliktad ang motorsiklo at tumilapon ang mag-asawa sa highway. Rumesponde sa crime scene ang mga operatiba ng Kidapawan City PNP, 911 Emergency Center at ng Traffic Management Unit. Isinugod ang mga sugatan sa Madonna General Hospital.


Sa dalawa, mas matindi ang sugat na tinamo ni Jiji habang ang driver na si Glenn gasgas sa paa ang tinamo. 

Inilagay na sa kustodiya ng PNP ang driver ng truck na kinilalang si Jose Licatan para papanagutin sa pangyayari.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento