NEWS UPDATES

39th IB, may panawagan sa publiko na makipagtulungan para malabanan ang insurhensiya sa bansa

(Kabacan, North Cotabato/ March 10, 2014) ---Patuloy ngayon ang panawagan ng militar sa publiko na makipagtulungan at magbigay impormasyon sa kanila para malabanan ang insurhensiya sa bansa.

Ginawa ni 39th IB, PA civil Military Officer 1st Lt. Aldrin Moral ang pahayag sa DXVL News kahapon kasabay ng nangyaring pag-atake ng New People’s Army sa Davao del Sur na ikinasawi ang anim na sundalo at dalawang pulis.


Aniya, ihinto na ang suporta sa mga rebeldeng grupo na ayaw sa kapayapaan at ang nais lamang ay guluhin ang mamamayan at ang pang-gobyerno.

Giit ni Moral na handa ang hanay nila na protektahan ang taong bayan sa nasabing kaguluhan.


Panawagan din nito sa rebeldeng grupo na magbalik na sa gobyerno at may mga programang inilaan ang pamahalaan para makapamuhay ng tahimik ang mga ito at makasama ang kanilang pamilya. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento