NEWS UPDATES

(Update) Court sheriff, binawian nan g buhay matapos pagbabarilin

(Midsayap, North Cotabato/ February 21, 2014) ---Napatay ang isang court sheriff makaraang pagbabarilin ng riding-in-tandem assassins sa bahagi ng Barangay Agriculture sa bayan ng Midsayap, North Cotabato kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Juanito Diazon, court sheriff ng Midsayap Regional Trial Court Branch 18. Base sa police report, pababa ng kanyang motorsiko ang biktima nang lapitan at pagbabarilin ng tandem, ayon kay P/Supt. Renante Delos Reyes, hepe ng Midsayap PNP.


Inaalam din ng pulisya kung may kaugnayan sa trabaho  sa biktima ang naganap na pamamaslang habang umaasa naman si Midsayap Mayor Romeo Arana na mabibigyan ng hustisya ang sinapit ng biktima. Rhoderick BeƱez PSN

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento