NEWS UPDATES

1 patay, 1 sugatan sa aksidente sa Highway sa Alamada, NCot

(Alamada, North Cotabato/ February 24, 2014) ---Patay on the spot ang drayber ng motorsiklo habang sugatan naman ang angkas nito makaraang masangkot ang mga ito sa nangyaring aksidente sa National Highway, partikular sa Barangay Camansi, Alamada, North Cotabato alas 9:00 ng umaga nitong Sabado.

Kinilala ni PCInps. Joefrey Todeño, hepe ng Alamada PNP ang nasawi na si Eric Grejarte, residente ng Barangay Dado habang nasa malubhang kalagayan naman ang sakay nito na di pa kinilala sa ulat na agad na isinugod sa Alamada Provincial Community Hospital.


Ayon sa ulat, kapwa nagtamo ng pinsala ang Honda XRM 125 at ang double tire passenger jeepney na sangkot sa vehicular accident.

Sa ngayon, nasa kustodiya naman ng Alamada PNP ang drayber ng double tire habang nagpapatuloy ang imbestigasyon. (Rhoderick Beñez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento