NEWS UPDATES

Relief Goods distribution, isinagawa sa Barangay Cuyapon

(Kabacan, North Cotabato/ February 21, 2014) ---Mahigit 377 na pamilya sa Barangay Cuyapon kahapon, February 19, 2014 ang nabigyan ng relief goods.

Pinangunahan ito ng Kabacan Local Government Unit kasama ang ilang Barangay Officials sa pamamahagi ng ilang relief goods na kung saan ang bawat pamilya ay nakakatanggap ng isang supot na naglalaman ng bigas, delata, at noodles.


Dagdag pa dito nabigyan din ang iilang pamilya ng ilang metro ng laminated sacks.

Masaya naman ang nagging resulta sa pamamahagi ng relief goods at umaasa ang ating pamahalaang local na mabibigyan pa ang ibang Barangays. Sarah Jane Guerrero


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento