NEWS UPDATES

Public Hearing ukol sa paninigarilyo sa pampublikong lugar sa Kabacan, gaganapin ngayong araw

(Kabacan, North Cotabato/ February 17, 2014) ---Nakatakdang isagawa ngayong araw  Pebrero a-17 ang Public Hearing kaugnay sa regulasyon ng paninigarilyo sa mga pampublikong lugar sa bayan ng Kabacan. Ito ay  isasagawa sa Municipal gymnasium na magsisimula ganap na alas 9 ngayong umaga.

Kabilang sa mga posibleng ipagbabawal sa nasabing ordinansa ay ang paninigarilyo sa pampublikong lugar tulad ng munisipyo, Mercado publiko, public terminal, mga paaralan at mga kahalintulad nito pa.


Bukud dito, ire-regulate din ang paninigarilyo sa mga pampublikong sasakyan maging ang advertisement at sponsorship nito.

Tatalakayin din sa gagawing public hearing ang mga karampatang parusa sa mga lalabag dito.

Ang nasabing ordinansa ay alinsunod sa Tobacco Regulation Act of 2003 kaya naman hinikayat ang iba’t-ibang sektor na dumalo sa nasabing public hearing upang mabatid ng mga ito ang detalye ng nasabing kautusan kung saan ito ay isinusulong ng Sangguniang Bayan sa ilalim ng Committee on Health, Sanitation and Nutrition.

Nabatid na ang paninigarilyo kung saan marami sa mga pinoy ang nahuhumaling dito ay maraming masamang idudulot sa kalusugan ng isang tao. Abdullah Matucan


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento