NEWS UPDATES

Lalaki, sugatan matapos tagain ng kanyang kainuman sa Mlang, North Cotabato

(Mlang, North Cotabato/ February 17, 2014) ---Sugatan ang isang lalaki matapos tagain ng kanyang kainuman sa Barangay Katipunan, Mlang, North Cotabato kamakalawa ng tanghali.

Kinilala ng Mlang PNP ang biktima na si Alex Petason na kung saan agad na isinugod sa isang bahay pagamutan para malapatan ng karampatang lunas.


Habang ang biktima ay nakilalang si Armando dela cruz na kaibigan ng biktima na kung saan agad namang sumuko pagkatapos ng insidente.


Ayon sa report ni Police Senior Inspector Sunny Leoncito ang hepe ng Mlang PNP bago raw ang pananaga ay masayang nag-iinuman ang dalawa hanggang sa humantong sa di pagkakaintindihan at pananaga.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento