NEWS UPDATES

Misis, kritikal matapos na pagsasaksakin at tagain ni Mister dahil sa selos sa Antipas, North Cotabato

(Antipas, North Cotabato/ February 18, 2014) ---Kritikal ang isang 32-anyos na ginang matapos na tagain sa leeg at pagsasaksakin ng mismong mister nito sa Purok 1, Barangay Malatab, Antipas, North Cotabato alas 7:50 kagabi.

Kinilala ni PSI Felix Fornan, hepe ng Antipas PNP ang biktima na si Edna Tacpan, habang kinilala naman ang suspek na asawa nito na si Jonathan Tacpan kapwa residente ng nabanggit na lugar.


Ayon sa report, nagkaroon umano ng mainitang pagtatalo ang dalawa bago nangyari ang insedente.

Habang natutulog na ang misis sa silid nila, doon na pinagtataga sa leeg at pagsasaksakin ng suspek ang misis nito.

Agad namang isinugod ang biktima sa Antipas Medical Specialist Center para mabigyan ng karampatang lunas habang mabilis namang tumakas ang suspek sa di malamang direksiyon.

Nagsasagawa na ngayon ng pursuit operation ang Antipas PNP sa nasabing insedente.


Love triangle ang sinusundang anggulo ngayon ng mga otoridad habang nagpapatuloy ang kanilang imbestigasyon. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento