NEWS UPDATES

Kawani ng KWD, panibagong biktima ng agaw motorsiklo sa Kabacan

(Kabacan, North Cotabato/ February 18, 2014) ---Sugatan ang empleyado ng Kabacan Water District makaraang pagbabarilin at agawan ng motorsiklo sa bahagi ng Sitio Dima, Barangay Lower Paatan, Kabacan, Cotabato alas 11:35 kahapon ng umaga.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Danilo Diaz, 42 taong gulang, residente ng Aglipay St., Poblacion ng bayang ito.


Ayon sa report, nagsasagawa ng water meter reading sa nasabing lugar ang biktima ng barilin ito at tinamaan sa kaliwang bahagi ng kanyang braso at kanyang mukha.

Agad namang dinala ang biktima sa Kabacan Polymedic para sa agarang lunas pero di kalaunan ay inilipat sa Kidapawan Medical Specialist para mabigyan ng medikal na atensiyon.

Samantala, narekober naman ng mga otoridad ang isang single DT Yamaha 125 na motorsiklo kulay itim na may plakang MC 1270 ni Diaz.

Inabandona ng mga suspek ang motorsiklo ng biktima makaraang maubusan ito ng gasolina.

Sa ngayon patuloy parin ang imbestigasyon ng pulisya upang mahuli ang suspek.

Ito na ang pang-apat na kaso ng pamamaril ang naitala sa Kabacan PNP sa loob lamang ng buwang ito. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento