NEWS UPDATES

Dating iskolars ng PDAF hinikayat na makipag-ugnayan sa tanggapan ni Rep. Jesus Sacdalan

Written by: Rhoderick Bautista

(Midsayap, North Cotabato/ February 18, 2014) ---Hinihikayat ng tanggapan ni Rep. Jesus Sacdalan ang mga dating benepisyaryo ng PDAF Scholarship Program na makipag-ugnayan sa district office ng kongresista.

Ito ay upang talakayin ang nasabing scholarship at iba pang posibleng paraan upang maipagpatuloy ang suporta sa pag-aaral ng mga dating PDAF scholars.


Batay sa anunsyo, magtatakda ng coordination meeting with the former PDAF scholars ang tanggapan ni Rep. Sacdalan na gaganapin sa Kapayapaan Hall sa Midsayap, North Cotabato.

Target na maisagawa ang nasabing meeting bago magtapos ang buwan.

Nabatid na abot sa isandaang PDAF scholars na nag-aaral sa University of Southern Mindanao o USM ang lubhang naapektuhan nang ideklara ng Korte Suprema na unconstitutional ang PDAF.

Ngunit binigyang diin ni First Congressional District Office Political Affairs Officer VI Engr. Jerry Pieldad na sinisikap ng tanggapan ng kongresista na maipagpatuloy ang nasimulang education support program.


Nakikipag-ugnayan na din umano ito sa Commission on Higher Education o CHED Region 12 upang maging kaagapay sa pagsusulong at pagpapatuloy ng Edukasyon Para Sa Kapayapaan scholarship ng dating PDAF scholars sa USM.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento