NEWS UPDATES

Bingi’t Pipi na Suspek sa pagpatay sa 6-anyos na bata sa Matalam, North Cotabato; arestado

(Matalam, North Cotabato/ February 19, 2014) ---Brutal na pinatay ang 6-anyos na nene matapos itong saksakin ay nilunod pa ng 26-anyos na bingi’t pipi  sa Barangay Sta. Maria, bayan ng Matalam, North Cotabato kamakalawa ng hapon. 

Ayon kay P/Chief Ispector Elias Diosmo Colonia, hepe ng Matalam PNP,  ipinagbigay-alam ni Councilor Rolando Monesa ang naganap na krimen sa Purok Pagkakaisa sa nasabing barangay.


Mabilis namang rumesponde ang mga operatiba ng pulisya kung saan naares­to ang suspek na si Marcelino Malapitan Odones sinasabing jobless habang hindi na pinangalanan ng pulisya ang biktima sa pakiusap na rin ng pamilya. Rhoderick Beñez PSN

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento