NEWS UPDATES

Sundalo, patay sa pamamaril sa Kabacan, North Cotabato

(Kabacan, North Cotabato/ January 27, 2014) ---Patay ang isang kasapi ng Philippine Army makaraang pagbabarilin ng mga suspek gamit ang di pa matukoy na uri ng armas sa National Highway ng Sitio Malabuaya, Kayaga, Kabacan, Cotabato alas 7:45 ng gabi nitong Sabado.

Kinilala ng Kabacan PNP ang biktima na si Cpl Kung Balono, kasapi ng 512 Engineering Battalion, PA at residente ng Pikit, North Cotabato.

Batay sa report sakay umano ng single motorcycle ang biktima at tinatahak ang kahabaan papunta sa Pikit ng sundan ito ng mga suspek at pagbabarilin.

Patay on the spot ang biktima.

Mabilis na tumakas angmga suspek sa di malamang direksiyon matapos ang insedente.

Samantala, agad namang gi-claim ng kamag-anak ng biktima na si Barangay Kapitan Kuat Butuan ng Barangay Balatikan, Pikit ang bangkay na katawan ng biktima.


Sa ngayon patuloy pa ang ginagawang imbestigasyon ng
Kabacan PNP para alamin ang totoong motibo sa insedente. Rhoderick BeƱez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento