NEWS UPDATES

Mga Establisiemento sa Kabacan, isailalim sa safe Fire Safety Inspection

(Kabacan, North Cotabato/ January 24, 2014) ---Isailalim sa masusing pagsisiyasat ng Bureau of Fire Protection Kabacan ang lahat ng mga establisiemento matapos na dumaan ang mga ito sa Business One Stop Shop o BOSS.

Ito ay ayon kay FO1 Shulhari Andik ng Bureau Fire Protection Kabacan.

Dagdag pa ni Andik na kailangan umanong suriin ang mga establisiemento at malaman ang kapasidad ng mga gusali at ang kakayahan nito na masiguro ang kaligtasan ng kanilang mga kostumer sa panahon na mag kakaroon ng emergency kagaya ng sunog.


Paalala ng BFP sa mga mamamayan ng kabacan palaging suriin at siguradohin ang kanilang Fire Safety Measures, at mag report kaagad kung sakaling may mamataan na sunog sa 160/064/391/1789. Mark Anthony Pispis

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento