NEWS UPDATES

Mga Puroks sa Poblacion, Kabacan, mabibigyan ng P5K na barangay aide

(Kabacan, North Cotabato/ January 7, 2014) ---Mabiyayaan ng P5,000 na barangay aide ang 27 mga purok ng Poblacion, Kabacan.

Ito ayon kay Poblacion Kapitan Mike Remulta para gamitin bilang aide ng mga purok president sa pagpapaganda ng kanilang nasasakupang purok.


Aniya sa huling quarter ng taon ay mabibigyan din ng dagdag na cash assistance ang purok na mananalo sa tinaguriang pa-contest.

Layon nito na palakasin ang partisipasyon ng mamamayan sa pagpapaigting ng kalinisan at kaayusan sa Poblacion Kabacan.

Bukod dito, paiigtingin din nila ang kampanya laban sa kriminalidad sa Poblacion, Kabacan habang binabalangkas na ngayon ang guarding system ng Barangay Poblacion.

Ang nasabing sistema ay paglalagay ng mga barangay tanod na magroronda sa bawat kalye ng Poblacion, tuwing gabi.


Samantala, sinabi ni Kapitan Remulta na nangangailangan ngayon ang Barangay Poblacion ng Midwife, sa mga gustong mag-apply at ang kwalipikasyon magsangguni lamang sa Barangay Poblacion. Rhoderick Benez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento