NEWS UPDATES

Budol-Dugol Gang, naglipana sa Kabacan, negosyante panibagong biktima; P100K natangay

(Kabacan, North Cotabato/ January 7, 2013) ---Abot sa mahigit P100,000 ang natangay ng mga budol-budol gang sa isang kahera ng hardware matapos na mabiktima ang mga ito sa bahagi ng Rizal St. na nasa National Highway, Kabacan, Cotabato alas 10:30 kanina.

Ayon sa Kabacan PNP inutusan umano ng may-ari ng hardware na di binanggit ang pangalan sa report ang kanyang kahera upang mag deposito ng pera sa bangko nang biglang may lumapit at nanghingi ng tulong.


Dahil naawa ang biktima kanya umano itong nilapitan.

Pagkatapos lumapit ang isang lalaki na kasabwat umano ng babae para alukin sila ng tulong at pasakayin sila sa sasakyan.

Doon na at natangay mula sa kahera ang dala nitong limpak-limpak na cash matapos ibigay sa mga budol-budol gang sa hindi maipaliwanag na dahilan.


Aniya, parang hi-nypnotized siya kaya natangay ang pera nito.

Wala na itong nagawa kundi magsumbong sa kanyang amo, na siya namang nagreport sa pulisya. Rhoderick Benez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento