(Kidapawan City/ September 14, 2013) ---Ibinasura ng City Prosecutor sa lungsod ng Kidapawan ang kasong drug trafficking laban sa nagpadala ng package na may lamang shabu sa isang preso na nasa Amas Provincial Jail.
Ayon kay City Prosecutor Christine Prudenciado technicality ang dahilan kung bakit na-i-dismiss ang nasabing kaso laban kauy Jennifer Arnaiz, na sinasabing nagpadala ng package na may lamang shabu kay Jason James Arnaiz, na inmate ng Cotabato Provincial Rehabilitation Center.
NEWS UPDATES
▼
IA performers pinarangalan sa ika- 51 anibersaryo ng NIA-LibRIS
(Midsayap, North Cotabato/ September 14, 2013)
---Kasabay ng pagdiriwang nitong Biyernes ng ika-51 anibersaryo ng National
Irrigation Administration- Libungan River Irrigation System o NIA- LiRIS ay
kinilala ang mga irrigators’ associations o IAs na nagpakita ng kahusayan sa
pagpapatupad ng mga programa ng ahensya.
Sa report ni PPALMA News Correspondent
Roderick Rivera Bautista, nakamit ng LibRIS Division-6 IA ang Most Outstanding
IA award dahil sa 104.93% na functionality survey rating nito.
8 barangay sa Kidapawan city, isinailalim sa ‘areas of concern’ hinggil sa extortion activities ng mga NPA
(Kidapawan
City/ September 14, 2013) ---Inilagay ngayon sa ‘areas of concern’ ang walo
mula sa apa’t na pung mga barangay sa Kidapawan City hinggil sa diumanoy
extortion ng mga rebeldeng New People’s Army o NPA.
Ang
mga natukoy na barangay ay ang San Roque, San Isidro, Sto. Nino, Linangkob,
Katipunan, Malinan, Marbel at Sikitan ito batay sa data na inilabas ng mga
sundalo mula sa Task Force Cotabato.
North Cotabato Gov. Taliṅo-Mendoza lumagda sa commitment signing ng RDRRMC 12
(Amas,
Kidapawan city/ September 14, 2013) ---Kabilang si North Cotabato Gov. Emmylou
“Lala” J. Taliṅo-Mendoza sa mga local chief executives mula sa iba’t-ibang
lalawigan sa rehiyon 12 sa mga lumagda sa Regional Disaster Risk Reduction and
Management Council 12 summit commitment signing na ginanap sa Phela Grande
Convention Center kamakalawa.
Ang naturang
summit ay ginawa upang makabigay ng updates ang mga local chief executives
tulad ng mga governors, mayors at iba pa patungkol sa mga ipinatutupad na
disaster risk reduction programs at disaster preparedness sa kanilang mga
lugar.
2 annexes ng FAB, ipapaliwanag sa mga mag-aaral
(Midsayap, North Cotabato/ September 13, 2013) ----Tatalakayin ang
dalawang annexes ng Framework Agreement on the Bangsamoro o FAB sa gagawing
lecture-forum sa Southern Christian College o SCC sa Midsayap, North Cotabato
ngayong Setyembre a-20.
Ayon sa report ni PPALMA News Correspondent Roderick Bautista
bibigyan diin dito ang Power Sharing at Wealth Sharing.
7 partisipante, ninakawan
(Kabacan, North Cotabato/ September 13, 2013)
---Pitong mga partisipante ng isang training seminar sa ATI na nasa USMARC, USM
compound ang ninakawan ng gamit habang kasagsagan ng ginagawang lecture.
Ayon sa report, inilagay ng mga partisipante
ang kanilang gamit na bag sa loob ng kanilang headquarters, pero ang di nila
alam ay hindi pala napadlock ng room attendant ang kanilang silid.
Sugatan sa Pagsabog sa Pikit, NCot; umakyat na sa 4; Extortion sinusundanag anggulo naman sa pagpapasabog sa buy and sell sa Kabacan
(Kabacan, North Cotabato/ September 13, 2013) ---Extortion ang sinusundang motibo ni PCInsp. Jordine Maribojo sa panibagong pagpapasabog ng granada sa may Guanzon’s Buy and sell na nasa Rizal St., Poblacion, Kabacan, cotabato alas 11:30 kahapon ng umaga.
Bagama’t walang nasawi o nasaktan sa nasabing pagpapasabog nagdulot naman ito ng takot at pangamba sa mag residente sa lugar.
Bagama’t walang nasawi o nasaktan sa nasabing pagpapasabog nagdulot naman ito ng takot at pangamba sa mag residente sa lugar.
Rotational Brownout sa Service area ng Cotelco, bumaba na; planta ng coal sa Misamis Oriental, nakabalik na sa Grid
(Kabacan, North Cotabato/ September 13, 2013) ---Bumaba na ang oras ng brownout sa bayan ng Kabacan at maging sa Kidapawan City at iba pang bahagi ng lalawigan ng Cotabato.
Ito makaraang nagging operational na muli ang Unit 2 ng STEAG Mindanao Coal Fired power plant sa Misamis Oriental kaya’t bumuti ang supply ng kuryente at nabawasan ang brownout sa Kabacan at iba pang service area na sakop ng Cotelco sa North Cotabato.
Ito makaraang nagging operational na muli ang Unit 2 ng STEAG Mindanao Coal Fired power plant sa Misamis Oriental kaya’t bumuti ang supply ng kuryente at nabawasan ang brownout sa Kabacan at iba pang service area na sakop ng Cotelco sa North Cotabato.
Recruiter na taga-Manila, nasa kamay na ng pulisya matapos na marekober sa pagkakadukot
(Maguindanao/ September 13, 2013) ---Nasa maayos na kalagayan na ngayon ang isang negosyanteng recruiter matapos na nasa kamay na ito ngayon ng mga otoridad.
Kinilala ang biktima na si Milagros Abu Hussein, 52-anyos na residente ng Cainta, Rizal at may ari ng isang recruitment agency sa Cubao, Quezon City.
Nabatid na si Hussein ay dinukot noong Miyerkules ng mga di pa nakikilalang armado pasado alas kwatro ng hapon noong Miyerkules sa Sitio Gubat, Barangay Makir, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Kinilala ang biktima na si Milagros Abu Hussein, 52-anyos na residente ng Cainta, Rizal at may ari ng isang recruitment agency sa Cubao, Quezon City.
Nabatid na si Hussein ay dinukot noong Miyerkules ng mga di pa nakikilalang armado pasado alas kwatro ng hapon noong Miyerkules sa Sitio Gubat, Barangay Makir, Datu Odin Sinsuat, Maguindanao.
Central Mindanao, mahigpit na minomonitor ng 6th Infantry Division bunsod ng banta sa seguridad
(Kabacan, North Cotabato/ September 13, 2013) ---Mahigpit na minomonitor ngayon ng pamunuan ng 6th Infantry Division ang buong CENTRAL MINDANAO.
Itoy bunsod na rin sa mga banta sa seguridad kaugnay sa nangyayaring kaguhuluhan sa Zamboanga City ayon pa kay 6th ID Spokesman Col Dickson Hermoso.
Itoy bunsod na rin sa mga banta sa seguridad kaugnay sa nangyayaring kaguhuluhan sa Zamboanga City ayon pa kay 6th ID Spokesman Col Dickson Hermoso.
Malaysian investor, nabahala sa presyo ng goma sa probinsiya
(Makilala, North Cotabato/ September 13, 2013) ---Dismayado
ang isang Malaysian investor sa presyo ng goma sa probinsiya ng North Cotabato.
Sa pagbisita ni Joe Ang, ang chief executive officer
ng Institute of Development Studies in Sabah, Malaysia sa lalawigan at
pakikipag-usap nito sa ilang mga magsasaka ng goma sa bayan ng Makilala, ang tinaguriang
‘rubber capital’ ng North Cotabato at pinag-usapan ang sinasabing sitwasyon ng
rubber industry sa Mindanao.
Paghahanda sa 8th Cotabato Annual Dance Festival puspusan na
(Midsayap,
North Cotabato/ September 13, 2013) ---Muling itatanghal ang Cotabato Annual
Dance Festival ngayong darating na a- 16 ng Nobyembre bilang pakikiisa sa
ika-77 anibersaryo ng bayan ng Midsayap.
Inihahanda
na ng organizing committee ang mga imbitasyon at kaukulang panuntunan para sa
mga grupong nais sumali sa paligsahan.
MNLF, walang planung ‘sympathy attack’
(Kabacan, North Cotabato/ September 12, 2013) ---Sinabi ni Moro National Liberation Front o MNLF SOCCSKSARGEN Intelligence Ildefonso Isagan na wala silang gagawing ‘sympathy attack’ saan mang sulok ng Rehiyon.
Ito ang inihayag ng opisyal sa panayam sa kanya ng DXVL News ngayong hapon matapos ang mga umuugong na report na may movement umanong niluluto ang MNLF sa North Cotabato partikular na dito sa Kabacan.
Ito ang inihayag ng opisyal sa panayam sa kanya ng DXVL News ngayong hapon matapos ang mga umuugong na report na may movement umanong niluluto ang MNLF sa North Cotabato partikular na dito sa Kabacan.
3 sugatan sa magkahiwalay na pagsabog sa North Cotabato
(Kabacan, North Cotabato/ September 12, 2013) ---Tatlo katao ang malubhang nasugatan sa panibagong pagsabog sa Poblacion ng bayan ng Pikit, North Cotabato alas 8:15 kagabi.
Kinilala ni PCInps. Elias Dandan, hep eng Pikit PNP ang mga biktima na sina Marcos Esmail, 40; Nhor Jana Esmail 18 at Amera Usman 20 pawang mga residente ng Sitio Lamak, Brgy Poblacion ng nabanggit na lugar.
Kinilala ni PCInps. Elias Dandan, hep eng Pikit PNP ang mga biktima na sina Marcos Esmail, 40; Nhor Jana Esmail 18 at Amera Usman 20 pawang mga residente ng Sitio Lamak, Brgy Poblacion ng nabanggit na lugar.
Cafgu na asawa ng Head Teacher, patay sa pamamaril sa Arakan, NCot
(Arakan, North Cotabato/ September 11, 2013) ---Dead on arrival sa ospital ang kasapi ng Citizen Armed Forces Geographical Unit o CAFGU ng pagbabarilin ng mga riding assassins sa may Poblacion, Arakan, Cotabato pasado alas 8:00 kaninang umaga.
Kinilala ni Senior Inspector Roly Oranza, hepe ng Arakan PNP ang biktima na si Aquilino Nicor, nasa tamang edad, asawa ng head teacher ng Malibatuan Elementary School at residente ng nabanggit na bayan.
Kinilala ni Senior Inspector Roly Oranza, hepe ng Arakan PNP ang biktima na si Aquilino Nicor, nasa tamang edad, asawa ng head teacher ng Malibatuan Elementary School at residente ng nabanggit na bayan.
Mga estudyante at kawani ng CFCST sa Arakan, NCot; nagsagawa ng kilos protesta
(Arakan, North Cotabato/ September 11, 2013) ---Nagsagawa ng kilos protesta ang mga mag-aaral at mga kawani ng Cotabato Foundation College of Science and Technology o CFCST kasama na ang mga orphans mula sa Orpahnage sa Arakan, North Cotabato alas 8:00 ng umaga kahapon.
Ayon sa report ang nasabing rally ay upang patalsikin umano ang naka-upong Presidente na si Dr. Samson Molao.
Ayon sa report ang nasabing rally ay upang patalsikin umano ang naka-upong Presidente na si Dr. Samson Molao.
Mga otoridad sa ARMM, todo alerto sa posibleng ‘sympathy attack’ ng MNLF
(ARMM/ September 11, 2013) ---Mahigpit na binabantayan ngayon ng mga otoridad ang Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) bilang kasama sa mga measures upang mapigilan ang anumang pag-atake ng ilang miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) katulad nang nangyaring Zamboanga siege.
Inihayag ni Abdulrashid Ladayo, chief security officer ng Office of the Regional Governor, ang presensiya ng Philippine Marines contingent, Army at kapulisan sa ARMM ay kabilang sa preventive measures na ipinapatupad ng gobyerno habang hindi pa nareresolba ang standoff sa Zamboanga City.
Inihayag ni Abdulrashid Ladayo, chief security officer ng Office of the Regional Governor, ang presensiya ng Philippine Marines contingent, Army at kapulisan sa ARMM ay kabilang sa preventive measures na ipinapatupad ng gobyerno habang hindi pa nareresolba ang standoff sa Zamboanga City.
Na-intercept na package na may lamang shabu para sa preso ng Amas Provincial Jail, pinaiimbestigahan na!
(Amas, Kidapawan City/ September 11, 2013)
---Pinaiimbestigahan na ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Talino Mendoza ang
report na diumanoy shabu na inilagay sa isang package at ipinadala sa isang
preso na nakabilanggo sa Amas Provincial Jail, Amas, Kidapawan City, kahapon.
Ayon sa report ni Senior Jail Officer 3
Edwin Paalisbo ng Provincial Rehabilitation Center na na-intercept nila ang
isang package ng shabu camouflaged na nakalagay sa chocolate candy bars at para
sa inmate na si Jason
James Arnaiz, na may kinakaharap ng kasong carjacking.
Brgy. Chairman, patay sa pamamaril sa Kabacan, Cotabato
(Kabacan, North Cotabato/ September 11, 2013)
---Pinagbabaril ang isang ng Punong Barangay sa harap ng Superama, na nasa
Rizal St., Poblacion, Kabacan, Cotabato alas 5:45 kahapon ng hapon.
Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hepe
ng Kabacan PNP ang biktima na si Kudin Kusim residente ng Brgy. Balatungkayo,
Datu Montawal, Maguindanao at kapitan ng nasabing lugar.
Mga Kawani ng Nabcor Kabacan, umapela kay Pnoy na wag iabolish ang kanilang ahensiya
(Kabacan, North Cotabato/ September 9, 2013)
---Umaapela ngayon ang mga empleyado ng National Agribusiness Corporation
(Nabcor) na di isali ang kanilang
tanggapan sa planung buwagin ang ahensiya makaraang masangkot ang kanilang
opisina sa pork barrel fund scam.
Batay sa imbestigasyon ng Commission on
Audit’s (COA) mula 2007 hanggang 2009 nabatid na P1.227 billion na pork barrel
funds ang napunta sa bogus na non-governmental organizations at isa na dito ang
Nabcor.
Mga Peace advocates sa Mindanao, umapela sa gobyerno ng Pilipinas hinggil sa standoff sa Zamboanga
(Kabacan, North Cotabato/ September 9, 2013)
---Nakiusap ngayon ang mga Peace advocates mula sa Mindanao sa gobyerno ng
Pilipinas na maging maingat sa paghawak sa nangyaring ‘standoff’ sa Zamboanga
City.
Sa kanilang kalatas na ipinalabas ng Initiatives for Peace in Mindanao
(InPeace) dapat na hindi madamay sa kaguluhan ang mga sibilyan.
NIA- LibRIS magdiriwang ng ika-51 anibersaryo
(Midsayap,
North Cotabato/ September 9, 2013) ---Nakatakdang ipagdiwang ng National
Irrigation Administration- Libungan River Irrigation System o NIA- LibRIS ang
ika-51 anibersaryo nito ngayong darating na Biyernes, a-13 ng Setyembre.
Ayon
sa opisyal na programang inilabas ng ahensya, pasisinayan sa nasabing
anibersaryo ang bagong opisina ng MPLK Federation of Irrigators Associations.
Lalaki, nahulihan ng Marijuana sa Kabacan
(Kabacan, North Cotabato/ September 9, 2013)
---Kulungan ang bagsak ng isang 31-anyos na lalaki makaraang mahulihan ng dahon
ng marijuana sa isinagawang operation kontra illegal drugs ng pinagsanib na
pwersa ng Kabacan PNP, TF Krislam at ng 7ib Philippine Army nitong sabado.
Kinilala ni PCInsp. Jordine Maribojo, hep eng
Kabacan PNP ang suspek na si Junidin Nandang Amuyan alias toh abas at residente
ng Roxas St., Poblacion, Kabacan.
Graduating student ng USM-KCC, patay ng matangay ng rumaragasang ilog sa Magpet, North Cotabato
(Magpet, North Cotabato/ September 9, 2013) ---Patay ang isang
graduating college student habang na-rescue naman ang siyam na mga kasamahan
nito ng matangay sila ng rumaragasang daloy ng ilog sa Barangay Bantac, Magpet, North Cotabato kahapon ng tanghali.
Kinilala ni Magpet tourism Officer Carl Jones Tanaid ang biktima
na si Richiel Empas, 20, estudyanye ng College of Education sa University of
Southern Mindanao – Kidapawan City Campus.
Problema sa Kuryente, tinalakay sa SP ng Kidapawan City
(Kidapawan City/ September 9, 2013) ---Umaabot na ngayon sa 250MW ang kakulangan ng suplay sa kuryente sa buong Mindanao.
Ito makaraang sumailalim sa preventive maintenance ang dalawang hydro-electric power plants sa Agus, Lanao del Sur at iba pang mga planta sa rehiyon.
Ito makaraang sumailalim sa preventive maintenance ang dalawang hydro-electric power plants sa Agus, Lanao del Sur at iba pang mga planta sa rehiyon.
Kabacan, nangunguna sa buong North Cotabato sa katatapos na LGPMS 2012
(Kabacan, North Cotabato/
September 9, 2013) ---Buong karangalang ipinagmamalaki ng Pamahalaang Lokal ng
Kabacan matapos na nakuha nito ang number 1 o nangungunanang bayan sa buong
North Cotabato sa katatapos na Local Governance Performance Management System
2012, kungsaan nilampasan nito ang 16 na mga munisipyo kasama na ang isang
lungsod na mga katunggali.
Nakakuha
ng over-all performance rating na 4.81 ang Kabacan,
Ibigsabihin,
mataas na marka ang nakuha ng Munisipyo para sa limang performance areas, Administrative
Governance, Social Governance, Economic Governance, Environmental at Valuing
the Fundamentals of Good Governance. Dagdag pa rito, nangunguna ang Kabacan sa
labing anim na munisipyo ng Probinsiya ng Cotabato sa aspeto ng Local Governace
Performance para sa taong 2012.
Sundalo sugatan sa pagsabog ng 2 IED sa boundary ng N. Cotabato at Maguindanao
(Tulunan,
North cotabato/ September 8, 2013) ---Isang sundalo ang sugatan sa pagsabog ng
improvised explosive device (IED) sa national highway na nasa boundary ng
Barangay Magibis, Datu Paglas Maguindanao at Tulunan, North Cotabato.
Ayon
kay Barangay Captain Arsmtrong Magibis ng Barangay Magibis, Datu Paglas,
Maguindanao, unang sumabog ang IED bago mag-alas-6:00 kaninang umaga kung saan
natamaan ng shrapnel ang tuhod ng biktima na kinilalang si Corporal Edwin
Dumuser.