NEWS UPDATES

Mga Peace advocates sa Mindanao, umapela sa gobyerno ng Pilipinas hinggil sa standoff sa Zamboanga

(Kabacan, North Cotabato/ September 9, 2013) ---Nakiusap ngayon ang mga Peace advocates mula sa Mindanao sa gobyerno ng Pilipinas na maging maingat sa paghawak sa nangyaring ‘standoff’ sa Zamboanga City.

Sa kanilang kalatas na ipinalabas ng Initiatives for Peace in Mindanao (InPeace) dapat na hindi madamay sa kaguluhan ang mga sibilyan.


Umaapela din ang grupo sa Aquino administration na repasuhin ang 1996 peace pact sa Moro National Liberation Front (MNLF).

Ayon sa grupo ang nagpapatuloy na kaguluhan o standoff sa Zamboanga city ay kasunod ng deklarasyon ng MNLF ng independence ilang buwan ang nakalipas.

Sinabi ni InPeace chair Bishop Felixberto Calang na kapwa sundalo at MNLF ay dapat ding sumunod sa isinasaad ng International Humanitarian Law (IHL) na protektahan ang karapatan ng mga sibilyan. (Rhoderick BeƱez)






Walang komento:

Mag-post ng isang Komento