NEWS UPDATES

Kampanya kontra illegal na droga, pinaiigting ng Mlang PNP

(M’lang, North Cotabato/ November 5, 2013) ---Patuloy ang paglaban ngayon ng Mlang PNP katuwang ang Pamahalaang bayan para tuluyang masugpo ang paggamit at pagtutulak ng illegal na droga sa bayan ng Mlang.

Ito makaraang maaresto sa pinakahuling buybust operation ng PNP ang isang 44-anyos na lalaki sa Purok 2, Barangay Lika, M’lang North Cotabato, kamakalawa.

Kinilala ang suspek na si Winnie Castillon, residente ng nasabing lugar.

Nakuha mula sa suspek ang dalawang heat sealed sachet ng suspected shabu at 500 peso marked money.


Kasalukuyang nakapiit sa M’lang PNP lock-up cell ang suspek at nakatakdang sampahan ng kasong paglabag sa R.A 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rhoderick Beñez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento