NEWS UPDATES

Industriya ng Niyog sa North Cotabato, patuloy na pinalalakas

(November 5, 2013/ November 5, 2013) Malaki ang naitutulong ng Small Coconut Farmers Organization o SCFOs sa pag unlad ng industriya ng niyog sa North Cotabato.

Ito ang sinabi ni Philippine Coconut Authority Officer Fatima Bansuan sa isang pagpupulong kamakailan sa probinsiya.

Kasabay ng paghimok nito sa mga maliliit na kooperatiba at magniniyog sa North Cotabato na patuloy na makipag-ugnayan sa iba't-ibang ahensya ng pamahalaan.

Sinabi naman ni SCFO North Cotabato Federation President Leo Lorredo na patuloy silang nakikipag ugnayan sa iba't-ibang sektor upang matulungan ang maliliit na magniniyog at mga kooperatiba na mapalaki pa ang kanilang kinikita.

Batay sa 2012 Coconut Statistics na inilabas ng PCA North Cotabato, higit 46 na libong ektarya ng lupain sa North Cotabato ang nakatutok sa produksyon ng niyog. Rhoderick BeƱez


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento