NEWS UPDATES

Provincial Government ng North Cotabato; wagi ng Brand-New Ambulance sa World Medical Relief Raffle

(Amas, Kidapawan City/ October 31, 2013) ---Nanalo ang Provincial Government ng North Cotabato ng malaking pa-premyo sa isinagawang Raffle draw sa katatapos na 60th Founding Anniversary ng World Medical Relief sa Detroit, Michigan, Kamakailan.

Ang raffle draw, ay bahagi ng anniversary kick-off ng WMR ay bihira lamang na aktibidad nila na naglalayong matulungan ang iba’t-ibang mga organizations at local governments sa mga developing na bansa sa pamamagitan ng pagbibigay ng medical at pharmaceutical na pangangailangan ng mga ito.

Kabilang sa napanalunan ng North Cotabato Provincial Government ay ang brand new ambulance na naglalaman ng mga medical supplies kasama na rito ang ilang mga emergency equipment kagaya ng defibrillator, suction machine, nebulizer at oxygen na nagkakahalaga ng abot sa P1.2M.


Mismong si Cotabato Governor Emmylou “Lala” J. Taliño-Mendoza ang personal na bumili ng nasabing winning ticket kungsaan kanyang ibibigay ang ambulansiya sa probinsiya para magamit sa mga bahay pagamutan ng gobyerno sa probinsiya, partikular na sa oras sa emerhensiya. Rhoderick Beñez

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento