NEWS UPDATES

Bagong kalsada sa Arakan, North Cotabato; pinasinayaan ng Provincial Government

(Arakan, North Cotabato/ October 30, 2013) ---Pinangunahan ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza ang pagpapasinaya ng kalsada na nag-uugnay sa Sitio Napanlahan, Poblacion Arakan at Barangay Dallag, Arakan.

Ayon sa gobernador ang road concreting project na nagkakahalaga ng 25 milyong piso ay mula sa provincial government matapos matanggap ang ‘Seal of Good Housekeeping’ award ng Department of Interior and Local Government.

Kaugnay nito, magiging madali na para sa mga magsasaka mula sa malalayong Barangay ng Arakan, North Cotabato ang pagbibyahe ng kanilang mga produkto patungo sa pamilihang bayan. (Rhoderick Beñez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento