NEWS UPDATES

USM may bagong 6 na chemists

(USM, Kabacan, North Cotabato/ September 24, 2013) ---May bagong anim na Chemists ang University of Southern Mindanao USM Main Campus matapos inilabas ng Professional Regulation Commission ang resulta ng katatapos na Chemist Licensure Examination noong Setyembre a-20.

Mula sa 571 na kumaha ng eksaminasyon, 320 dito ang nakapasa.

Isinagawa ang eksaminasyon sa lungsod ng Maynila.

Matatandaan na ang USM ang nag-iisang primyadong paaralan na nag-o-offer ng BS Chemistry Course sa Region 12 at nagbibigay ng de kalidad na edukasyon sa bahaging ito ng Mindanao. (Rhoderick BeƱez)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento