NEWS UPDATES

(Update) 9 na natitirang bihag ng BIFF, pinalaya na!

(Midsayap, North Cotabato/ September 24, 2013) ---Tuluyang ng pinalaya ng mga rebeldeng grupo ang siyam na hawak na bihag nila pasado alas 5:00 ng madaling araw kanina.

Ayon kay Executive Assistant to the Governor Ralph Ryan Rafael pinalaya ang siyam pang mga hostages ng mga BIFF na ginamit bilang human shield sa tulong ng negosasyon na pinangunahan ni Cotabato Gov. Emmylou “Lala” Taliño Mendoza at nina Board Member Kelly Antao, Deputy Governor for Muslim Affairs Edress Ansalibo, Board Member Loreto Cabaya at Mayor Romeo Araña.

Agad namang isinailalim sa stress debriefing ang mga ito.

Matatandaan nab ago mag-alas 7:00  kagabi ay unang pinalaya ang apat na mga guro kasama ang isang bata.

Kinilala ang mga pinalaya kagabi, ayon sa report ni North Cotabato Provincial MEDIA Venes Bacarat na sina Honey Corpuz, Ruby Hirro, 39; Rose Escote, 49 at Edna Cortel, 56 kasama ang isang bata na Limang taong gulang na kinilalang si Kesha Angela, anak ni Hirro.

Sa ngayon tiantayang masobra sa 2 libung mga pamilya ang nagsilikas matapos na maipit sa nasabing bakbakan ng BIFF at ng mga rebeldeng grupo.

Sinabi naman ni Gov. Mendoza ngayong umaga sa pamamagitan ng Crisis Management Committee na walang suspensiyon ng klase maliban na lamang sa mga barangay na direktang naapektuhan ng nasabing sagupaan. (Rhoderick Beñez)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento