NEWS UPDATES

DOH-ARMM, iginiit na kasing bisa ng branded na gamot ang generics

(Maguindanao/ September 20, 2013) ---Inihayag ngayon ni DOH-ARMM Secretary Dr. Kadil Sinolinding Jr. na kasing-bisa ng generics ang mga branded na gamot.

Ginawa ni Sinolinding ang pahayag kasabay ng selebrasyon ng Generics Month ngayong buwan.
Kaugnay nito, hinimok din ng opisyal ang publiko na tangkilikin ang generics na gamot dahil mas mura ito kaysa sa branded pero magkapareho din ang bisa.

Pinatunayan din ng mga dumalong Pharmacists na may mga sariling botika sa Shariff Aguak, Nuro Upi at  Parang, Maguindanao na de-kalidad ang mga generics, maliban  pa dito, mas nakakatipid  at kayang bilhin ng ordinaryong mamamayan.

Ang selebrasyon ng Generics Month ay may temang, 'Generics Pangkalusugan, Gamot Pangkalahatan'. (Rhoderick BeƱez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento