NEWS UPDATES

38-anyos na magsasaka, patay ng malunod sa fishpond sa M’lang, NCot

(Mlang, North Cotabato/ September 20, 2013) ---Patay na ng matagpuan ang isang 38-anyos na magsasaka na palutang-lutang sa fishpond malapit sa kanilang bahay na nasa Purok 1, Poblacion B, Mlang, Nort Cotabato alas 5:15 kahapon ng umaga.

Kinilala ni PSI Rollando Dillera, hepe ng Mlang PNP kinilala ang biktima na si Frederick Lumbuan Apolinario, magsasaka at residente ng nabanggit na lugar.


Batay sa inisyal na pagsisiyasat, lango umano sa alak ang biktima kamakalawa ng gabi at huling nakita ito ng kanyang ina na lumabas ng kanilang bahay para umihi dakong ala 1:00 ng madaling araw kahapon.

Posible umanong dumiritso ang biktima sa damuhang bahagi ng kanilang bakuran at di namalayang napadaku sa fishpond dahilan para malunod ang biktima.

Dinala naman Cofreros Funeral Home ang mga labi ng biktima at isinailalim sa autopsiya para alamin kung may foulplay sa pagkamatay ni Apolinario.Rhoderick Beñez







Walang komento:

Mag-post ng isang Komento