NEWS UPDATES

Ilang mga lokal na opisyal ng Kabacan, minarkahan ng 8 ang SONA ni Pangulong Aquino

(Kabacan, North Cotabato/ July 23, 2013) ---Kung sa larangan ng Agrikultura, pasado ang naging State of the Nation Address o SONA ni Pangulong Aquino sa ilang mga opisyal ng Kabacan.

Ito dahil sa binigyan ni councilor Jonathan Tabara ng markang 8 si Pnoy.

Sa panayam ng DXVL News kay Tabara sinabi nitong tinututukan umano ng kasalukuyang administrasyon ang agrikultura.

Ito makaraang may 187,000 metric tons na reserbang buffer stock ang bansa sakaling mag-sunod-sunod ang bagyo bukod pa sa target ng kasalukuyang administrasyon ang rice self-sufficiency.

Sa ulat ng Pangulo, hindi na rin kailangan pang mag-angkat ng bigas.

Nagsimula na rin umanong mag-export ng matataas na uri ng bigas ang bansa.

Dahil dito may pasaring din ang Pangulo sa nagdaang administrasyon matapos na malayo na umano ang narating ng kasalukuyang administrasyon doon sa panahon na sinasabing di nating kayang pakainin an gating sarili. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento