NEWS UPDATES

AFP; patuloy na nagbabantay sa National Highway ng Matalam, matapos ang nangyaring girian sa lugar

(Matalam, North Cotabato/ July 23, 2013) ---Patuloy ngayon ang ginagawang pagbabantay ng mga sundalo at pulisya sa kahabaan ng National Highway ng Matalam, partikular na sa bahagi ng Manubuan, matapos na muling sumiklab ang bakbakan ng dalawang naglalabang grupo nitong linggo ng umaga.

Sa panayam ng DXVL News kay Army’s Spokesperson Captain Anthony Bulao, bagama’t humupa na kahapon ang engkwentro ng MILF at MNLF sa erya, patuloy ang kanilang monitoring sa lugar ito dahil sa nangangamba ang militar na baka muling aatake naman ang MILF.

Ayon sa opisyal nagkausap na umano ang dalawang grupo na wag na umanong atakehin ng CVO at MILF ang erya ng MNLF matapos ang ginawa nilang pag-uusap.


Ibinunyag ni Bulao na ang ugat umano ng nasabing sagupaan ng naglalabang pangkat ay makaraang inatake ng MILF ang kampo ng MNLF sa Manubuan dahil sa planu umano nilang palawakin hanggang Kidapawan ang kanilang teritoryo. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento