NEWS UPDATES

4.8 Magnitude na lindol, yumanig sa Carmen, North Cotabato

(Carmen, North Cotabato/ July 25, 2013) ---Niyanig ng magnitude 4.8 na lindol ang bayan ng Carmen, North Cotabato alas 6:51 ngayong gabi lamang.

Sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs nakasentro ang pag-uga sa 18 kilomentro ng Hilaga ng Carmen, may lalim na 1 kilomentro ang nasabing pagyanig.

Wala namang may naiulat na napinsala o nasaktan sa nasabing paglindol.

Naramdaman naman ang intensity 4 sa bayan ng Carmen, North Cotabato, intensity 3 sa Dancagan, Bukidnon habang intensity 2 naman ang naramdaman sa Kidapawan city, Cagayan de Oro city, Cotabato City at Davao City.

Bukud dito, naramdaman din ang pagyanig sa bayan ng Kabacan at Matalam.


Tectonic o paggalaw ng lupa ang pinagmulan ng nasabing pagyanig. (Rhoderick BeƱez)

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento