NEWS UPDATES

3 magkahiwalay na pagyanig tumama sa bayan ng Carmen, North Cotabato, kagabi

(Carmen, North Cotabato/ July 26, 2013) ---Tatlong malalakas na pagyanig ang umuga sa bayan ng Carmen, North Cotabato kagabi.

Sa report ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology o Phivolcs unang niyanig ang bayan ng malakas na 4.8 magnitude na lindol alas 6:51 kagabi, kungsaan nakasentro ang pagyanig sa 18 kilomentro ng Hilaga ng Carmen na may lalim na 1 kilomentro at tectonic o paggalaw ng lupa ang pinagmulan.

Naramdaman naman ang intensity 4 sa bayan ng Carmen, North Cotabato, intensity 3 sa Dancagan, Bukidnon habang intensity 2 naman ang naramdaman sa Kidapawan city, Cagayan de Oro city, Cotabato City at Davao City.

Bukud dito, naramdaman din ang pagyanig sa bayan ng Kabacan at Matalam.

Pagsapit ng alas 7:05 kagabi muling niyanig ng 4.4 magnitude na lindol ang naturang bayan.

Agad naman itong nasundan ng isa pang pag-uga ng lupa alas 8:05 kagabi na may 3.8 magnitude na lindol.

Wala namang may naiulat na napinsala o nasaktan sa panibagong pagyanig.

Matatandaan na una na ring niyanig ang naturang lugar ng malakas na 5.7 magnitude na lindol alas 10:10 ng gabi noong Hunyo a-1 na nag-iwan ng abot sa higit P50M ang pinsala. (Rhoderick BeƱez)


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento