NEWS UPDATES

Pondo para sa itatayong municipal fish port sa Pikit, North Cotabato hiniling sa DOTC


(Midsayap, North Cotabato/ June 20, 2013) ---Nagsumite ng sulat kahilingan sa opisina ni Rep. Jesus Sacdalan ang pamahalaang pambarangay ng Nabundas sa bayan ng Pikit, North Cotabato.

Partikular na nakasaad sa nasabing dokumento ang kahilingang mapondohan ng Department of Transportation and Communication o DOTC ang pagtatayo ng isang municipal fish port sa lugar.


Agad naman itong inendorso ng opisyal kay DOTC Secretary Joseph Emilio Abaya para sa karampatang aksyon.

Magiging malaking pakinabang ang isang municipal fish port hindi lamang sa mga residente ng Barangay Nabundas ngunit sa mga katabing komunidad nito na umaasa sa panghuhuli ng isda sa ilog at Liguasan marsh.

Ito rin ang inaasahang pangunahing pasilidad na gagamitin ng mga residente sa lugar bago dalhin ang kanilang mga produkto mula sa marsh patungo sa pamilihang bayan.

Sinabi ni Engr. Jerry Pieldad na isinusulong din ng tanggapan ng Unang Distrito ng North Cotabato na mabigyang prayoridad ng DOTC ang konstruksyon ng tig-isang municipal fish ports sa mga bayan ng Midsayap at Pigcawayan partikular sa erya ng Liguasan marsh. (Roderick Bautista)



Walang komento:

Mag-post ng isang Komento