NEWS UPDATES

Presyo ng School Supply sa Kabacan, walang pag-galaw

(Kabacan, North Cotabato/ May 30, 2013) ---Nanatili pa rin sa dating presyo nito ang mga School supplies sa Kabacan, ilang araw bago ang nalalapit na pasukan.

Batay sa mga nakuhang impormasyon sa mga tindahan ng palengke ng bayan, wala namang naitalang pagbabago sa mga presyo ng mga school supplies.


Ang halaga ng notebook ay P10 hanggang P20 depende sa kalaki at kakapal nito.

Sa mga gusto ng binder P140 hanggang P200 depende sa kapal at brand nito.

Samantala naglalaro naman sa P12 hanggang P15 ang halaga ng pad paper habang nasa P8 naman ang ordinaryong papel.

Para sa mga kindergarten at elementary ang halaga ng lapis ay P5 hanggang P8 depende sa brand. Ang rulers ay P5 hanggang P10.

Ang plastic envelope ay nasa P8 hanggang P10 habang P22 naman ang single na crayola at P42 naman ang double.

Para naman sa mga panangga ngayong tag-ulan ang presyo ng payong ay P60 ang pinakamura at P295 ang pinakamahal depende sa laki at uri nito. At ang kapote naman ay P80 hannggang P90 depende sa sizes.

Para mas makatipid mas mainam na gamitin ang mga lumang notebook at i-recycle ang mga ito ng magamit pa.


Una dito, tiniyak ng Department of Trade and Industry o DTI-12 na hindi tataas ang presyo ng mga school supplies ngayong malapit nang magbukas ang klase.

Ito ay dahil may sapat na suplay ng mga notebook, papel, lapis, pluma atiba pang kagamitan sa rehiyon. (Rhoderick BeƱez with reports from Marvi Bryen Hinojales) 

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento